Parang 'di pa rin ako makapaniwala sa bilis ng takbo ng oras. Kung iisipin mo, parang kahapon lang huli nating pagkikita. Tanda ko pa nga paano tayo nag umpisa. Magkaibigan lang tayo noon, wala naman talagang balak humigit pa doon. Lahat ng mga nangyari ay sobrang biglaan. Kailan man, walang pinagplanuhan. Nung naging tayo, walang usapan. Basta, bigla na lang naramdaman.. Yung mga masasayang araw na pinagsamahan, lahat ng yun wala sa plano.. Yung mga away at hamunan ng paghihiwalayan na 'di mo alam ang pinanggalingan.. Hanggang sa humantong sa katapusan na 'di rin naman inaasahan. Matagal na panahon ko din pinaglaban. Para sa'yo, para sa'tin.. 'Di ko akalain nakayanan.. Ikaw kasi mismo ay matagal na palang bumitaw. Sa dami ng naisip noon, sagot sa kung bakit, wala doon. Bakit ka umayaw? Bakit pa ikaw? Bakit hindi ako makabitaw? Lumipas ang panahon, kinaya ko na. Kaya ko pala maging masaya kahit wala ka, kinaya ko din mapag-isa, higit sa lahat ay kinaya ko na rin na palayain ka. Ngayon, alam ko na kung bakit.. Kung bakit ang tagal bago kita palayain.. Natakot kasi ako na baka hindi mo kayanin. Nasabi ko pa nga; "Paano ka na, kung bibitawan kita?" Alam ko naman kasi kung gaano mo ko minahal din. Akala ko kasi na sa tagal nating nagsama, kagaya kita na magdurusa. Akala ko na kapag pinabayaan kita, na baka hindi mo alam ang susunod na gagawin. Akala ko kung iiwanan kita, ay baka hindi mo na alam saan pa pupunta. Pero ngayon alam ko na.. Ngayon, tanggap ko na.. Maluwag na sa kalooban kong sasabihin na; "Mahal, pinapalaya na kita.. Ngayong alam kong 'di ka na mag-iisa." :)
No comments:
Post a Comment