Alam kong mali na magbitaw ng mga salitang tila nangangako
Patungkol sa kinabukasan na inaasam makatagpo
Ngunit ano pa bang magagawa
Huli na't nasabi ko na
Tanging nagawa ay umiwas
Takbuhan ka't kumawala
Nalinawan na hindi pala iyon ang gusto
Habang maaga pa'y tigilan na ito
Akala ko kasi iba na ngayon
Pag-aakalang kaya nang panindagan
Pero katulad pa rin sa dati
Naduwag at itinanggi
Hindi naman inasahan na hahantong sa ganito
Dalawang naguguluhan na naghahanap linaw sa pagkalito
Nagkataong may pagkakaintindihan
Magkaiba nga lang ating naramdaman
Umasa sa wala
Na parang 'di nadadala
'Di mo naman talaga kasalanan
Ako'y naging tuso panandalian
Hiling ko'y mapatawad
Nang pareho na tayong makahinga nang maluwag
