Silence

Silence

Thursday, April 7, 2016

In love

I fall in love with good conversations. Maybe that's why I always end up walking away from people.. Once reality kicks in, you'll  realize that what people say may be completely different from how they really are. And it's always the conversations I fall for, not the person after all. 

Sunday, April 3, 2016

Random

Strangers are so beautiful. You can put any dreams and every expectations on them, and they wouldn't have the power to disappoint you. 'Cause after all, you don't even know them. 

Friday, March 25, 2016

'Wag na lang kaya


Alam kong mali na magbitaw ng mga salitang tila nangangako
Patungkol sa kinabukasan na inaasam makatagpo
Ngunit ano pa bang magagawa
Huli na't nasabi ko na
Tanging nagawa ay umiwas
Takbuhan ka't kumawala
Nalinawan na hindi pala iyon ang gusto
Habang maaga pa'y tigilan na ito
Akala ko kasi iba na ngayon
Pag-aakalang kaya nang panindagan
Pero katulad pa rin sa dati
Naduwag at itinanggi
Hindi naman inasahan na hahantong sa ganito
Dalawang naguguluhan na naghahanap linaw sa pagkalito
Nagkataong may pagkakaintindihan
Magkaiba nga lang ating naramdaman
Umasa sa wala
Na parang 'di nadadala
'Di mo naman talaga kasalanan
Ako'y naging tuso panandalian
Hiling ko'y mapatawad
Nang pareho na tayong makahinga nang maluwag

Tuesday, March 8, 2016

Real Deal


Have you ever wondered what it's like
When two destined souls collide
To be fated by the stars
That the Universe has bonded from the start

You had me at first glance
I'm already in trance
It was then that you would know
When you wish for time to simultaneously go fast and slow

I've only wished for the best
And now I'm living in my greatest
I still can't believe
My reality is so much better than my dreams

They say our pace is too fast
Before you know it I'm hoping that this would last
But let them wonder baby 
We're not here to please anybody 

We both know that it was meant to be
Although it wouldn't be easy
Just let them wonder what it's like
To have a love like ours

Thursday, March 3, 2016

Wednesday, March 2, 2016

Paano na?


Parang 'di pa rin ako makapaniwala sa bilis ng takbo ng oras. Kung iisipin mo, parang kahapon lang huli nating pagkikita. Tanda ko pa nga paano tayo nag umpisa. Magkaibigan lang tayo noon, wala naman talagang balak humigit pa doon. Lahat ng mga nangyari ay sobrang biglaan. Kailan man, walang pinagplanuhan. Nung naging tayo, walang  usapan. Basta, bigla na lang naramdaman.. Yung mga masasayang araw na pinagsamahan, lahat ng yun wala sa plano.. Yung mga away at hamunan ng paghihiwalayan na 'di mo alam ang pinanggalingan.. Hanggang sa humantong sa katapusan na 'di rin naman inaasahan. Matagal na panahon ko din pinaglaban. Para sa'yo, para sa'tin.. 'Di ko akalain nakayanan.. Ikaw kasi mismo ay matagal na palang bumitaw. Sa dami ng naisip noon, sagot sa kung bakit, wala doon. Bakit ka umayaw? Bakit pa ikaw? Bakit hindi ako makabitaw? Lumipas ang panahon, kinaya ko na. Kaya ko pala maging masaya kahit wala ka, kinaya ko din mapag-isa, higit sa lahat ay kinaya ko na rin na palayain ka. Ngayon, alam ko na kung bakit.. Kung bakit ang tagal bago kita palayain.. Natakot kasi ako na baka hindi mo kayanin. Nasabi ko pa nga; "Paano ka na, kung bibitawan kita?" Alam ko naman kasi kung gaano mo ko minahal din. Akala ko kasi na sa tagal nating nagsama, kagaya kita na magdurusa. Akala ko na kapag pinabayaan kita, na baka hindi mo alam ang susunod na gagawin. Akala ko kung iiwanan kita, ay baka hindi mo na alam saan pa pupunta. Pero ngayon alam ko na.. Ngayon, tanggap ko na.. Maluwag na sa kalooban kong sasabihin na; "Mahal, pinapalaya na kita.. Ngayong alam kong 'di ka na mag-iisa." :)

Saturday, February 20, 2016

You and I



“We were doomed from the start, You and I
Trapped in the moments we’ve created only in our minds


I was a dreamer before you happened
And you have always been the one to commit


Now I know why we can never be
It is, as the bright Sun that can never touch the dark Moon”